Hindi na ikinagulat pa ni Pangulong Duterte ang idineklara ni US President Donald Trump na "crackdown" laban sa fentanyl at sa iba pang painkillers, gaya ng morphine, methadone, Buprenorphine, hydrocodone, at oxycodone.

Talamak ngayon sa Amerika ang mga nasabing droga, at nasa 140 Amerikano ang namamatay kada araw sa paggamit nito, kaya naman nagdeklara na ng public health emergency si Trump at tinawag na kahihiyan sa Amerika ang painkiller-addiction.

Sinabi ni Pangulong Duterte na inaasahan na niya ang hakbangin na ito ni Trump dahil alam niya kung gaano kalala ang problema sa droga sa Amerika. - Beth Camia

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal