Ni MERLINA HERNANDO-MALIPOT

“Pay your debt or lose your license to teach?”

Matapos maghirap sa malaking kaltas dulot ng mga utang kamakailan, nahaharap naman ngayon ang public school teachers sa panibagong pagsubok— ang posibilidad na mawalan sila ng lisensiya sa pagtuturo kapag hindi nila nabayaran ang kanilang utang sa Private Lending Institutions (PLIs).

Nagsama-sama sa Professional Regulation Commission (PRC) kamakalawa ang mga guro mula sa Central Luzon upang hikayatin ang ahensiya “not to take the side” ng PLIs – partikular na ang St. Bernadette Lending, at iba pa – pagdating sa pagbabayad ng kanilang utang na lumaki dahil sa malaking interes na ipinatutupad ng PLIs.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaakusahan ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Region III ang PRC ng “favouring” PLIs at “pressuring” ang public school teachers na bayaran ang kani-kanilang utang, dahil kung hindi ay tatanggalan sila ng lisensiya sa pagtuturo.

“Bakit ang PRC, isa-isang pinatatawag ang mga gurong may pagkakautang sa PLIs at kunwaring namamagitan?” tanong ni ACT Region III President Romly Clemente.

Gayunman, sinabi ni Clemente na kapag nagtutungo ang mga guro sa tanggapan ng PRC, pinipilit silang bayaran ang kanilang mga utang sa PLIs. “Ang katotohanan kapag nasa PRC na ay nandiyan na ang panggigipit sa guro at pinapangako na magbayad ng halagang hindi na kayang bayaran,” aniya.

Ipinagdiinan ni Clemente na kapag dumalo ang mga guro sa mediation sa PRC, sapilitan silang pinagbabayad sa kanilang utang na may interes sa pamamagitan ng pagpirma ng dokumento at pagbubukas ng checking accounts para makapag-isysu sila ng blankong tseke.

Maraming guro, ayon kay Clemente, ang hiningan ng kanilang Automated Teller Machine (ATM) cards kasama ang kanilang Personal Identification Numbers (PIN). “Ito ba ang sinasabing walang pagkiling ang PRC sa mga PLIs?”

“Isang malinaw na panggigipit at paggamit at malinaw na paunti-unting pagkitil sa buhay ng mga guro at mga umaasa sa kanila.”