Malugod na pinaunlakan ni Pangulong Duterte ang sulat na ipinadala ng isang 6th grade Filipino student sa California sa Amerika na si Andre Gabriel Custodio Esteban, na nagsabing nais niyang ibida ang Presidente sa kanyang klase para sa kanyang nationality report.

Sa liham na isinulat ni Esteban, pinuri niya ang kasipagan ni Duterte, at sa kabila ng abalang schedule ay hiniling niyang makita nang personal ang Pangulo.

“I am a proud Filipino and I really like you as our president and I wish to meet you someday. I am doing a Nationality report about the Philippines on Nov. 15, 2017. I am interested in talking about you in my class. I know that you are very busy because you are a hardworking president. I admire you greatly,” saad sa liham ni Esteban.

“But can I ask you a special favor? Can you please send me a short video clip of you saying hello to my teacher, Mrs. Ricchiuti [Ri-kyu-ti], my classmates, and I? Maraming maraming salamat po!”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagpaunlak naman ng video message si Duterte at pinayuhan ang bata na maging mabuting anak at mag-anak nang mabuti. - Beth Camia