MAGTATAPOS ngayon ang matagumpay na inaugural season ng Premier Volleyball League sa ABS-CBN Sports and Action sa pamamagitan ng pagdaraos ng All Star Game na tatampukan ng mga mahuhusay na manlalaro ng bansa sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Pangungunahan nina Open Conference MVP Myla Pablo at 2017 Open Conference Best Setter Jia Morado ang mga sasabak sa women’s division habang sina Collegiate Conference MVP Marck Espejo at Open Conference MVP Lorenzo Capate naman ang babandera sa men’s para sa one-day event na idaraos bilang pasasalamat ng league organizer Sports Vision sa kanilang mga fans at backers.

Sisimulan ang women’s exhibition match ganap na 6:00 ng gabi pagkatapos ng men’s All-Star game na mag-uumpisa ng 4:00 ng hapon.

Si BaliPure coach Roger Gorayeb ang syang gagabay sa Team Red na kinabibilangan nina Grethcel Soltones, Jerrili Malabanan,Diana Carlos, Ces Racraquin, Risa Sato, Kathy Bersola , Jasmine Nabor , Jem Ferrer , Aiko Urdas, Amy Ahomiro at Alyssa Eroa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tatayo namang coach ng Team White si Pocari Sweat mentor Rico de Guzman.

Makakasama sa kanyang team maliban kina Pablo at Morado sina Isa Molde, Nicole Tiamzon , Joy Cases , Jeanette Panaga, Pau Soriano, Bea De Leon , Gyzelle Sy , Suzanne Roces at Melissa Gohing.

Sa men’s division , si coach Oliver Almadro ang gigiya sa Blue Team na binubuo nina Espejo , Mark Alfafara , Capate ,Jayvee Sumagaysay, Rex Intal, Peter Torres , Ish Polvorosa , Timothy Tajanlangit , James Natividad , Ysay Marasigan at Rence Melgar.

Para naman sa Team Yellow, na gagabayan ni coach Rovhyl Verayo, binubuo ang koponan nina Edwin Tolentino, Fauzi, Ismail, Alnakran Abdilla , Benjaylo Labide , Kim Malabunga, Francis Philip Saura, Vince Mangulabnan , Nico Ramirez, Berlin Paglinawan , Rudolfo Labrador at Sandy Montero Ang All-Star Sunday ay pagtatapos ng pagdiriwang para sa unang taon ng PVL kung saan ang Pocari Sweat, BaliPure at National University ang nagkampeon sa Reinforced, Open at Collegiate Conferences ayon sa pagkakasunud-sunod. - Marivic Awitan