PBA Commissioner Chito Narvasa  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
PBA Commissioner Chito Narvasa (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Ni Ernest Hernandez

IGINIIT ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang pangangailangan na amyendahan ang 'draft procedure' upang hindi na maulit ang kontrobersyal na trade na kinasangkutan ng San Miguel Corporation at KIA.

Sa kabilang ng samu’t saring batikos, kabilang na ang pagkadismaya ni Alaska team owner Wilfred Uytengsu, natuloy ang napagkasunduan trade ng dalawang koponan bago pa man ang isinagawang Rookie Drafting nitong Linggo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakuha ng KIA sina Jay-R Reyes, Ronald Tubid, Rashawn McCarthy at karapatan sa 2019 first overall pick,kapalit sa karapatan para sa No.1 pick ngayong Rookie Draft.

Inaasahang ang Fil-German na si Christian Standhinger, sa taas na 6-foot-8 at mainstay ng Gilas Pilipinas, ang magiging No.1 pick.

Ayon kay Narvasa, hindi na mangyayari ang naturang usapin sa hinaharap kung mababago ang sinusunod na regulasyon.

“We have to amend the draft procedures,” pahayag ni Narvasa.

“Kapag ganyan ng ganyan, kamukha ng Kia, nakikita na natin na kahit start of the third conference, alam natin magiging last na naman. Doon pa lang, hindi pa nag-e-end, nag-aayusan na. So by the time na umabot na sa drafting, meron na nakausap.”

“So, how do you prevent that going forward? Definitely, this kind of procedure for next year will not be in place anymore,” aniya. “Wala na ‘yan. Hindi na pwede. We will change that procedure.”