HINDI na nakaporma si Scottie Thompson ng Ginebra kay Jared Dillinger ng Meralco sa pag-aagawan sa ‘loose ball’ sa kainitan ng kanilang laro sa PBA Governors Cup Game Seven nitong Biyernes sa Philippine Arena. Napanatili ng Kings ang korona. (MB photo | RIO DELUVIO)

KAMPEON muli ang Barangay Ginebra at nadagdagan ang selebrasyon ng pinakasikat na koponan sa bansa nang maitala ang all-time attendance record na 54,086 sa Game Seven ng kanilang duwelo kontra Meralco Bolts sa Philippine Arenas nitong Biyernes.

Nalagpasan nito ang dating record na 53, 642 sa Game Six sa Philippine Arena, sinasabing pinakamalaking arena sa Asya.

“Wow, this crowd is grabe,” naibulalas ni Ginebra coach Tim Cone matapos makumpleto ng Ginebra ang kampanya sa impresibong 101-86 panalo.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Sa Game Five, naitala ang 36,445 crowd. Sa kabuuan ng tatlong laro sa Arena, naitala ang kahanga-hangang bilang na 144,173 attendance.

Bago ang Finals, ang record ay 52,612 laban sa Ginebra at Talk ‘N Text noong 2014 season.