Ni Annie Abad

IPINAMAHAGI ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kabuuang P29 milyon bilang cash incentives sa mga medalists sa nakalipas na Asian Indoor and Martial Arts Games at Asean Para Games sa isang simpleng seremonya nitong Biyernes sa PhilSports Arena.

Pinangunahan nina Meggie Ochoa at Annie Ramirez sa jiu-jitsu ang listahan ngmga nabigyan ng maagang pamasko mula sa pamahalaan sa nakuhang tig-P2 milyon batay sa Republic Act 10699 o Amended Sports Benefits and Incentives Act.

Tumanggap naman ng tig-P450,000 sina Para Gamers Cendy Asusano at Ma. Cielo Honasan sa athletics. Ang gold medal winner sa ASEAN Para ay may P150,000.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“The PSC is supportive of athletes and coaches who work hard to bring honor to the country,” sambit ni PSC chairman William Ramirez. “The life of an athlete is not a walk in the park, but moments like this make it all worthwhile.

Bukod kina Ochoa at Ramirez, humakot ang Team Philippines ng 14 silver at 14 bronze medal sa AIMAG, habang may 26 ginto, 28 silver at 59 bronze medal ang Para athletes.

Malugod na tinanggap ng mga piling atleta ang kanilang mga insentibo na anilay makatutulong sa kanilang mga pamilya sa lalawigan.