SAGLIT naming nakakuwentuhan si Carlo Aquino sa presscon ng 13th Cinema One Originals Festival -- na mapapanood na sa November 13 to 21.

Ibinida ni Carlo ang pamoso niyang linya sa pelikulang ginawa niya noon with Vilma Santos. Halos every shooting day ng naturang pelikula ay nakakakuwentuhan namin si Carlo na noon ay batang-bata pa at naging malapit sa amin.

Carlo Aquino
Carlo Aquino
Ngayon, 32 years old na si Carlo at nagsasabing handa na raw siyang magkaroon ng aalagaang anak.

Hindi na raw siya makapaghintay na pakasalan ang girfriend niyang si Kristine Nieto. Kaya siya super sipag ngayon, dahil pinaghahandaan na niya ang pagkakataon ng misis.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

For sure, marami na ring naipundar si Carlo at walang duda na kayang-kaya na niyang magkapamilya. Sa totoo lang, tuluy-tuloy ang projects ni Carlo simula nang bumalik siya sa Dos. Madalas din siyang gumawa ng mga pelikula dahil mahusay naman talaga siyang aktor.

Katatapos lang ni Carlo ng seryeng The Better Half kasama sina Shaina Magdayao, Denise Laurel at JC de Vera. May isa pang soap opera siyang gagawin, pero hindi pa raw puwedeng banggitin.

Busy si Carlo sa pelikulang entry sa 13th Cinema One Originals, ang Throwback Today sa direksiyon ni Joseph Teoxon.

Bukod sa Throwback Today, ang iba pang entries sa festival na ipapalabas sa Trinoma, Glorietta, Gateway, UP Cine Adarna, Cinema 76, at Cinematheque ay ang mga pelikulang Si Chedeng at si Apple with Gloria Diaz and Changing Partners with Agot Isidro, Anna Luna, Jojit Lorenzo, at Sandino Martin directed by Dan Villegas, Nay with Enchong Dee and Ms. Slyvia Sanchez, Histographika Errata nina Joem Bascon, Alex Medina at Maxine Eigennmann directed by Richard Somes, at Nervous Translation ni Shireen Seno.

Samantala, ang 13th Cinema One Originals ay magkakaron ng extended run from November 22 to Nov. 28 sa the Power Plant Mall. - Jimi Escala