MATATAG ang bawat pagaspas ng Blue Eagles.
Tulad ng inaasahan, naduplika ng Ateneo Blue Eagles ang dominasyon sa University of the East Warriors, 97-73, kahapon para mapanatili ang malinis na karta sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa MOA Arena.
Nakopo ng Blue Eagles ang ika-11 sunos na panalo at nakasiguro sa semifinal slots na may kaakibat na bentaheng ‘twice-to-beat’. Tatlong panalo na lamang ang kakailanganin ng Ateneo para sa makasaysayang ‘sweep’ sa elimination round ng prestihiyosong collegiate league sa bansa.
Lupasay ang Red Warriors sa 3-9 at halos wala nang pag-asa na makahirit ng slots sa Final Four.
Pinangunahan ni Thirdy Ravena ang balanseng atake ng Ateneo sa naiskor na 17 puntos, walong rebounds at apat na assists, habang tumipa si Jolo Mendoza ng 13 puntos mula sa 3-of-3 shooting.
Nalimitahan ang pambato ng Warriors na si Alvin Pasaol sa walong puntos mula sa inalat na 2 of 11 shooting.
“We are happy to get this win under our belt,” sambit ni Ateneo coach Tab Baldwin.
“Every game is a step forward for our team.”
Ratsada ang Ateneo mula simula at naitarak ang pinakamalakingbentahe na 31 puntos.
Nag-ambag si Mark Maloles sa naiskor na 20 puntos, habang tumipa si Mark Olayon ng 15 puntos para sa Red Warriors.
Iskor:
Ateneo (97 )– Ravena 17, Mendoza 13, Tolentino 12, Verano 12, Asistio 9, Porter 9, Mi. Nieto 7, Ikeh 7, Mamuyac 3, Ma. Nieto 2, Go 2, Black 2, Andrade 2, Tio 0, White 0.
UE (73) – Maloles 15, Olayon 15, Pasaol 8, Bartolome 7, Varilla 5, Cullar 5, Derige 4, Acuno 4, Manalang 3, Conner 2, Toribio 0, Cruz 0.
Quarterscores: 21-18; 48-35; 71-52; 97-73.