Lima sa sampung Pilipino ang naniniwala na ang mga isinasangkot sa “Oplan Tokhang” ay “not all” drug pusher o addict, batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa survey nitong Setyembre 23-27 sa 1,500 respondents, 25 porsiyento ng mga Pilipino ang may kakilalang isinangkot sa kampanya ng gobyerno kontra droga.

Ang paniniwalang ito ay nakakuha ng 31 porsiyento sa Metro Manila, kasunod ng iba pang lugar sa Luzon at Mindanao na mayroong tig-25 porsiyento, at sa Visayas na mayroong 22 porsiyento.

Kabilang sa mga nagsabing may kakilala silang isinangkot sa Tokhang, 49 porsiyento ang nagsabing hindi lahat ng ito ay mga adik o tulak.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Samantala, 36 na porsiyento ang nagsabing ang mga ipinatawag ay mga adik at tulak, at 14 na porsiyento ang nagsabing “don’t know”, at dalawang porsiyento ang nagsabing wala sa mga ito ang adik at tulak.

Ang pinakamalaking bilang ng mga nagsabing naniniwala silang hindi lahat ng nasasangkot ay adik at tulak ay mula sa Metro Manila, na nakakuha ng 50 porsiyento.

Samantala, pinakamababa naman sa Mindanao na mayroong 41 porsiyento.

Ayon sa SWS, ang net satisfaction sa kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyon ay (+51) kay Pangulong Rodrigo Duterte ay (+37), at sa pangkalahatang administrasyon ay (+49), na bumaba mula sa mga nagsabing hindi lahat ng sangkot sa Oplan Tokhang ay adik at tulak, kumpara sa mga nagsabing lahat ng sangkot sa Tokhang ay pawang adik at tulak (+77, +73, at +73), at ang mga nagsabing hindi nila alam ay (+62, +50, and +54). - Ellalyn De Vera-Ruiz