PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Mga baril at sari-saring bala at pekeng ID ng Interpol ang nakumpiska mula sa tatlong lalaki sa Hilltop, Barangay Marcos Village sa Palayan City, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na si Jessie Reyes De Guzman, 46, ng Bgy. Curva, Bongabon; kapatid nitong si Rustico Reyes de Guzman, 41; at si Bryan Carbonel Cabanlong, 21, ng Bgy. Pias, Villasis, Pangasinan.

Sinamsam mula sa tahanan ni De Guzman ang isang M16 armalite at magazine, 49 na bala para sa M16 rifle; 37 bala ng .9mm caliber; at pekeng ID ng International Police na may ranggong Brigadier General.

Nakumpiska naman mula kay Rustico, ang isang homemade 12-gauge shotgun na may magazine na may limang bala, habang kay Cabanlong ay nakakuha ng dalawang magazine para sa cal. 356 at M16, at iba pang mga bala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinasuhan ang “De Guzman Group” sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms & Ammunition Regulation Act. - Light A. Nolasco