Ni: Mina Navarro

Pinayuhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang overseas Filipino workers na nasa ibang bansa na maging mas maingat sa pagtanggap ng mga alok na trabaho.

Ito ay kaugnay sa natanggap na mga ulat ng POEA na may mga Pinoy household service workers (HSWs) sa Hong Kong, Singapore at Cyprus na hinihimok na lumipat sa ibang bansa tulad ng Dubai, Mongolia, Turkey at Russia ngunit natuklasan na ang kondisyon ng pagtatrabaho ay hindi gaanong perpekto o mas malala pa dahil peke ang ibang trabahong iniaalok.

Karamihan sa mga recruiter ay mga dayuhan mula sa third country na may mga katuwang na Pilipino sa kanilang iligal na aktibidad.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Bilang proteksiyon, dapat siguruhin ng aplikante na mayroong angkop na working permit, visa at kontrata na aprubado ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at prinoseso ng POEA, bago sila umalis sa patungo sa third country.