Ni: Bella Gamotea

Patay ang isang motorista makaraang barilin matapos tangayan ng sasakyan ng carnapper sa Pasay City, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on the spot ang lalaking biktima, nasa hustong gulang, na nagtamo ng bala sa ulo.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril sa tapat ng isang payment center sa Binanza Street, Barangay 189, Zone 20 ng lungsod, dakong 7:45 ng gabi.

Ayon sa isang saksi, hindi nagpabanggit ng pangalan, nasa loob siya ng payment center nang marinig ang putok ng baril sa labas ng establisyemento at agad sinilip.

Nakita nito ang isang lalaki na lumabas mula sa likod ng isang sasakyan at tuluyang inilabas ang wala nang buhay at duguang biktima saka tinangay ang sasakyan patungo sa hindi batid na direksiyon.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.