MASUGID sa pagtutok ang mga manonood sa mga panghapong programa ng GMA Network tuwing Sabado. Kaya patuloy na pinaluluhod ng Kapuso shows na Ika-6 na Utos, Tadhana, Wish Ko Lang at Imbestigador ang mga katapat nitong programa.

SUNSHINE GABBY AT RYZA copy

Sa buong buwan ng September, namayagpag nang husto ang Kapuso afternoon block ayon sa data mula sa Nielsen Phils.

TAM. Pumalo sa average people rating na 6.9 percent ang nakuha ng GMA Saturday afternoon block sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), habang 5.5. percent lamang ang nakuha ng ABS-CBN.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Lamang din ang Kapuso Network sa Urban Luzon kung saan nakapagtala ito ng average people rating na 7.4 percent, malayo sa nakuha ng ABS CBN na 4.4 percent. Sa Mega Manila, palong-palo ang Saturday afternoon line-up ng GMA dahil nakapag-uwi ito ng 7.8 percent average people rating na lubhang malaki sa katapat nitong 3.7 percent.

Hindi mapipigil sa pag-arangkada ang Ika-6 na Utos, Tadhana, Wish Ko Lang at Imbestigador. Sa partial October data ng Nielsen Phils. TAM, (kung saan ang October 14 ratings ay base sa overnight data), nakakuha ng average people rating na 6.9 percent sa NUTAM ang kabuuang Saturday afternoon line-up.

Lalong hindi bibitiw ang mga manonood sa highest-rating daytime drama na Ika-6 Na Utos dahil sa mga pasabog na kaabang-abang lalo na’t may mga bagong karakter na ginagampanan nina Zoren Legaspi at Chynna Ortaleza.

Hindi rin matinag ang Tadhana. Sa paglalahad ni Marian Rivera-Dantes, tampok sa Tadhana ang makukulay at inspiring na kuwento ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na binibigyang-buhay ng magagaling na aktor.

Wagi rin ang Wish Ko Lang sa katapat nitong show. Kasama ang host na si Vicky Morales, binibigyang-halaga ng nasabing first wish-granting program sa Philippine television ang mga kuwento ng Pilipinong natutong bumangon sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Ang Imbestigador ay hindi rin tinatantanan ang kalabang programa. Sa loob ng 16 na taon sa pangunguna ni Mike Enriquez, patuloy na binibigyang-boses ng Imbestigador ang mga naaapi. Kaya patuloy rin itong namamayagpag sa ratings.