BARCELONA, Spain (AP) — Sa isa sa mga mahalagang araw sa kasaysayan ng Spain, pinatalsik nito ang regional government ng Catalonia at binuwag ang parlamento nitong Biyernes, matapos ideklara ang kalayaan ng Catalan.

Makalipas ang ilang oras, pinagkalooban ng Spanish Senate ang gobyerno ng special constitutional powers upang mapigilan ang mauunlad na rehiyon sa pagkamit ng kalayaan.

Kaugnay nito, nagpatawag ng Cabinet meeting ang gobyerno ni Spanish Prime Minister Mariano Rajoy nitong Biyernes.

“It’s not about suspending or meddling in the self-government (of Catalonia), but to return it to normality and legality as soon as possible,” sabi ni Rajoy.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Spain is living through a sad day,” sabi pa ni Rajoy. “We believe it is urgent to listen to Catalan citizens, to all of them, so that they can decide their future and nobody can act outside the law on their behalf.”