Ni: Nitz Miralles

MAY bagong pelikula ang Spring Films, ang film outfit nina Piolo Pascual, Erick Raymundo at Direk Joyce Bernal. Wala pang title ang movie na pagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla sa direction ni Irene Villamor.

Nagkaroon ng look test sina Carlo at Bela at naintriga kami sa suot nila na parang ginaw na ginaw. Ibig kayang sabihin nito, sa isang malamig na lugar sa ibang bansa ang shooting ng movie?

Sa ipinost na picture nila ni Bela, ang caption ni Carlo ay, “Ito ay munting hiling sa bughaw na langit...

Kuya Kim, birthday wish na maipagpatuloy alaala ni Emman

#happyproject” at nagpasalamat siya kina Piolo, Direk Irene at Direk Joyce.

Hindi pa man nagsisimula ang shooting ng wala pang title na movie nina Bela at Carlo, marami na ang nangakong pmanonood nito.

Parehong big hit ang kapapalabas na dalawang pelikula ng Spring Films na Kita Kita at Last Night.

Speaking of Piolo, nag-taping na siya sa Home Sweetie Home na ikinatuwa ng fans nila ni Toni Gonzaga dahil hindi sila sa pelikula lang mapapanood, pati na sa telebisyon. Ang hindi pa nakukumpirma ay kung totoo ang tsikang si Piolo na ang tuluyang papalit kay John Lloyd Cruz sa nasabing sitcom.