Ni LITO T. MAÑAGO

TUMANGGAP ng panibagong karangalan si Allen Dizon kasama ang lead actress na si Angeli Nicole Sanoy sa katatapos na 33rd Warsaw International Film Festival (WIFF) sa Warsaw City, Poland bilang Special Jury Award for Acting sa kanilang pagganap sa pelikulang Bomba (The Bomb) ni Direk Ralston Jover.

ALLEN AT ANGELI copy

Ito ang pang-anim na international acting awards ng dating sexy stud at kauna-unahan naman para kay Angeli Nicole na nakilala sa kanyang role sa pelikulang Patikul ni Direk Joel Lamangan at nagbigay karangalan bilang Best Breakthrough Performance by an Actress sa Golden Screen Awards (GSA) ng Entertainment Press Society, Inc.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nauna nang kinilala ang kahusayan ni Allen sa Magkakabaung ni Direk Jason Paul Laxamana. Nagbigay ito ng ilang international best actor trophies sa kanya, kabilang ang Harlem International Film Festival sa New York; Hanoi International Film Festival sa Hanoi, Vietnam; at Silk Road Film Festival sa Ireland.

Sa pelikulang Iadya Mo Ako ni Direk Mel Chionglo, tumanggap siya ng Best Actor sa Silk Road Film Festival at Salento International Film Festival sa Italy.

Ang latest accomplishment ni Allen bilang mahusay na aktor ay itong A-list filmfest sa Warsaw.

Nakatakda ring mag-compete ang Bomba sa 17th Dhaka International Film Festival sa Bangladesh. Sa naturang filmfest din pinarangalan si Cong. Vilma Santos bilang Best Actress sa Ekstra ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.

Ang Bomba ay co-production ventures ng ATD Entertainment Productions, Heaven’s Best Entertainment ng mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.

Matatandaang nabigyan ito ng X-rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nang unang isumite for review bilang requirement for commercial release and eventually, nabigyan ng R-13 rating nang iapela ng director at producers for a second review.

This early, wala pang definite date kung kailan ito magkakaroon ng commercial run.