Ni DINDO M. BALARES
WALANG katotohanan ang mga balitang kumalat nitong Miyerkules na pumanaw na si Isabel Granada.
Isang kababayan nating OFW na nagtatrabaho sa Hamad Hospital ang nakontak namin mag-uumaga kahapon ang nagsabi sa amin na, kahit “3X nag-code” ang aktres ay buhay ito at patuloy na lumalaban.
“Ang ibig sabihin ng 3x code, three times siya nag-arrest and ni-revive,” paliwanag ng source na nakontak namin sa pamamagitan ng isang kaibigang nurse ngayon sa U.S. at dati ring nagtrabaho sa Hamad Hospital.
“Kahapon sabi ng kakilala kong nurse sa Heart Hospital, three times nag-code. Kaya dinala dito sa Hamad Hospital.
Magkatabi lang naman itong dalawang hospital. DNR (do not resuscitate) ang kaso ni Isabel. ‘Di puwedeng operahan, naka-coma. Brain-dead. Limited ang guest na pinapapasok nila.”
“Exaggs naman masyado (ang balitang namatay na si Isabel). Dahil kung dead, nasa morgue na sana. Nasa tapat lang ng department namin ang morgue kaya nakikita namin kung Pinoy o Pinay ang namamatay dahil marami ang bumibisita o pumupunta.”
Samantala, naririto ang official statement ng husband ni Isabel na si Arnel Cowley, husband of Isabel: “To all family and friends, please pray for my wife Isabel Granada who is in ICU at Doha Qatar in a critical condition.She suffered from a brain haemorrhage which indicates aneurism and in turn affected her heart. She collapsed suddenly without warning yesterday afternoon and is still not responding.
“I have released this statement to end inaccurate speculations during this hard time for myself and the rest of the family and I would also like to thank the people that’s supporting me here in Doha. #LabanIsa #we’reprayingforu”.
Marami ang kapwa artista at mga tagahanga ni Isabel na nananalangin sa kanyang recovery.
Hindi lang ngayon may kumalat na impormasyong pumanaw na si Isabel. Matatandaan na noong Abril 13, 2011 ay may kumalat na text message na:
“DEAR FRIENDS, LET ISABEL GRANADA BE IN OUR THOUGHTS AND PRAYERS. LET US BE HAPPY THAT SHE IS WITH THE LORD NOW, IN PEACE. WITH NO PAIN CAUSED BY OVARIAN CANCER.”
Nagpadala siya noon ng text message sa press na:”Whatever txt po nareceive nyo...i just (want) to let u knw Im good po..thank u po sa concern..i couldnt answer calls/txt, sensya na po.Smile im ok po.”