Ni NOEL D. FERRER

NANANATILI pa ring nasa kritikal na kundisyon ang dating That’s Entertainment star na si Isabel Granada. Ibayong dasal ang hiling ng kanyang pamilya habang siya ay nasa Hamad Hospital sa Doha, Qatar.

ISABEL AT CHUCKIE copy copy

“Wala pa sa options ang operasyon because we need to have to wait before it’s safe to perform such procedure,” sabi ng asawa ni Isabel na si Arnel Cowley.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“We would like to thank everyone who are continuously praying for Isabel; the family appreciates all these expressions of love and concern,” patuloy ni Arnel.

Ilan sa masusugid na nag-a-update sa social media ng kalagayan ni Isabel sina Bianca Lapus at Chuckie Dreyfus.

Pagkatapos mai-report na comatose si Isabel after suddenly collapsing during a fan meet-and-greet at meeting kung saan bigla raw nag-violet ang kamay at pisngi ng aktres, mabilis nang kumalat ng istorya mula mismo sa mga tao sa Doha, Qatar.

Kung wala raw upuan ay baka sa salamin pa tumama ang ulo ni Isabel. May nakapagsabi pang tumirik daw ang mga mata niya at isinugod agad sa Hamad Hospital sa Doha.

Si Isabel ay marketing director ng kumpanya nilang Star Net ay dumanas ng anim na cardiac arrests, internal hemorrhage at brain aneurysm.

Sa kabila ng kanyang “stable” condition, “they are praying for her to just wake up,” sabi ni Chuckie.

“Please continue praying. Nothing is impossible,” pakiusap pa ni Chuckie.

(For your comments, opinions and contributions, you can message me on IG and FB, or tweet me at @iamnoelferrer.)