Ni: Gilbert Espeña

MULING mapapalaban si dating interim WBA light flyweight champion Randy “Razor” Petalcorin laban kay dating WBO Asia Pacific minimumweight at Indonesian junior flyweight titlist Oscar Raknafa sa Nobyembre 10 sa Malvern Town Halll in Melbourne, Australia.

Sinabi sa Philboxing.com ni Jim Claude Manangquil, chief executive officer ng Sanman Promotions, na 10-round non-title fight ang sagupaan nina Petalcorin at Raknafa na tune-up fight ng Pinoy boxer bago ang inaasahang world title bout sa susunod na taon.

Masama ang karanasan ni Petalcorin sa kanyang huling laban sa Australia kung saan apat na beses niyang napabagsak si Omar Kimweri pero nanaig pa rin ang nakabase sa Australia na Tanzanian sa 12-round split decision noong Abril 15, 2016 sa sagupaan sa Flemington para sa bakanteng WBC Silver flyweight title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I’m happy to be fighting back in Melbourne. Last time was not great but I will make sure I will have a good performance on Nov. 10,” sabi ng 25-anyos na si Petalcorin. “After Nov. 10, I want the world champions from 105 to 108 next.”

May rekord si Petalcorin na 27-2-1 na may 20 panalo sa knockouts at nakalistang No. 3 sa IBF at No. 6 sa WBC sa light flyweight division.