Ni: Rommel P. Tabbad
Hindi magla-landfall ang bagyong ‘Quedan’.
Ito ang paglilinaw kahapon ni Gener Quitlong, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), matapos itong itaas sa kategorya ng bagyo bilang “severe tropical storm”.
Tinukoy ni Quitlong na posibleng aabot sa typhoon category ang bagyo sa loob ng dalawang araw.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,155 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging 90 kilometer per hour (kph) at bugsong 115 kph habang kumikilos naman ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 21 kph.
Binalaan din ng ahensya ang mga naglalayag na malalaking alon ang idudulot ng sama ng panahon.