Ni NORA CALDERON
ISANG marangyang pagsalubong ang gagawin ng Iriga City local government officials at mga mamamayan sa pagdating ni Miss Millennial Philippines 2017 Julia Gonowon. Pagkatapos ng grand coronation ng Miss Millennial Philippines 2017 sa Eat Bulaga noong September 30 sa Mall of Asia Arena, hindi muna umuwi sa kanyang hometown si Julia dahil tinupad niya agad ang kanyang tungkulin sa EB, as part ng kanyang panalo.
“Nag-enjoy po ako sa ginawa ko daily sa show kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa lahat ng mga sumuporta sa akin at sa buong team ng Eat Bulaga at sa mga Dabarkads,” pahayag ni Julia. “Isa po talagang malaking opportunity ang nabuksan sa akin pagkatapos kong manalo.”
Bukas ang big day sa mga Irigueño as all roads lead to Barangay San Juan, dahil doon magsisimula ang motorcade na maglilibot kay Julia sa buong siyudad para makita siya ng mga kababayan niya na sumuporta nang husto sa kanya.
Sasamahan si Julia ng hosts ng “Juan for All, All For Juan” segment, sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Magsisimula ang motorcade/parade ng 8:00 AM at lilibot ito sa main streets ng Iriga at matatapos ng 11:00AM, para makapaghanda naman si Julia sa pagsisimula ng EB at 11:30AM sa Broadway studio. Sa Iriga rin gaganapin ang “Sugod Bahay” sa isang masuwerteng mabubunot ni Bossing Vic Sotto sa Broadway studio.
May magaganap ding special event sa studio, ang baby shower para sa coming baby girl nina Bossing Vic at Pauleen Luna.
Kaya big day na naman ng Eat Bulaga sa Sabado, matapos ang very successful na screening ng first telemovie ng show na “Love Is...” nina Alden Richards at Maine Mendoza last week. Congratulations!