Ni: Jerry Olea

RARAMPA na naman ang mga zombie, maligno, diwata, impakto, mangkukulam, mambabarang, diosa, tikbalang, kapre, tagachu, aswang, manananggal, engkantada at kung anu-ano pang nilalang sa “Takutan Sa Burgos 2017” sa Sabado (Oktubre 28) ng gabi sa Burgos St., Brgy. Poblacion, Makati City.

Nasa ika-12 taon na ang Halloween festival parade na ito na dinarayo ng mga kalahok at manonood taun-taon.

Eh, kasi naman hindi basta-basta ang mga papremyo rito. Umaabot sa P114,000 ang cash prizes, at meron pang gift items na ipinamumudmod.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Sa Group category (at least 3 members), ang pinakanakakahilakbot ay magkakamit ng P20K. Para sa 1st runner-up, P10K.

Sa 2nd runner-up, P5K.

Dalawang grupo ang tatanggap ng P3K na consolation prize.

Sa Ssolo (Scary), ang pinakanakaka-shookt... ang pinakapetmalu... ay mag-uuwi ng P15K. Para sa 1st runner-up, P10K. Sa 2nd runner-up, P5K.

Siyam ang conso na P1K each.

At sa Solo (Cosplay), ang pinaka-fabulous ay mag-uuwi ng P15K. May isang runner-up na tatanggap ng P10K, at siyam ang may P1K na pampalubag-loob.

Bawal ang mga tiyanak sa paligsahan. Ang kalahok ay dapat 18 y/o or older.

Banned din ang mga dragon. Bawal gumamit o magbuga ng apoy.

Bawal din ang paggamit ng mga babasagin, matatalim at matutulis na bagay. Mabuti na ang nag-iingat.

OK lang siguro ang matutulis na baba!

Siyempre, bawal sumali ang mga nasa impluwensya ng alak o droga. Ayaw ni Tokhang ng ganyan!

Alas 5:00-7:00 PM ang registration sa Sabado, 9:00 PM ang assembly, 10:00 PM ang simula ng parada, 1:00 AM ang awarding.

Para sa mga detalye, makipag-alam sa cell# 09429641779 (Juancho), 09298625492 (Michael), 09453905368 (Joemarie).

Awooooo!!!!