Ni: Mary Ann Santiago

Ipinauubaya na ng Department of Education (DepEd) sa school authorities kung kinakailangan o hindi na magsagawa ng make-up classes tuwing Sabado kasunod ng limang araw na kanselasyon ng klase ng mga estudyante sa Nobyembre dahil sa Association of South East Asian Nation (ASEAN) Summit na idaraos sa bansa.

Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, ang kasalukuyang academic calendar ay may 204 school days.

Sa nasabing bilang, aniya, 180 ang “non-negotiable” o obligadong pumasok sa eskuwela ang mga mag-aaral, habang ang 24 naman ay nagsisilbing “buffer days” na maaaring magamit ng mga estudyante upang makahabol sa mga araw na hindi sila pinapasok sa eskuwela tulad na lang kapag panahon ng bagyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kasalukuyan, aniya, ay mas marami nang class suspensions sa Metro Manila kumpara sa mga lalawigan, ngunit 15 pa lamang sa 24 na buffer days ang nagamit nila.

“Iyong decision na magkaroon po ng make-up classes, ibinibigay po natin ‘yan sa paaralan in coordination with the school division offices,” sinabi ni Umali sa panayam sa radyo.

Matatandaang idineklara ng Malacañang na special non-working days sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga ang Nobyembre 13, 14 at 15 dahil sa 31st ASEAN Summit, habang napagkasunduan na rin ng Metro Manila mayors na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa Nobyembre 16-17 dahil pa rin sa naturang pagtitipon.