Ni DINDO M. BALARES

HINDI totoo ang mga balitang nakarating at kumalat kahapon na pumanaw na si Isabel Granada. Ayon sa isang kababayan nating OFW na nagtatrabaho sa Hamad Hospital na nakontak namin, sa tulong ng isang kaibigang nurse sa U.S. na dati ring nagtrabaho sa naturang hospital, bagamat "3X nag-code" ay buhay pa ang aktres.

Isabel Granada

"Exaggs naman masyado," sabi ng source na hindi namin babanggitin ang pangalan. "Dahil kung dead, nasa morgue na sana. Nasa tapat lang ng department namin ang morgue kaya nakikita namin kung Pinoy o Pinay ang namamatay dahil marami ang bumibisita o pumupunta."

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang alam ng source, ngayong araw na sana nakatakdang umuwi ng Pilipinas si Isabel.

"Kahapon sabi ng kakilala kong nurse sa Heart Hospital, three times nag-code. Kaya dinala dito sa Hamad Hospital. Magkatabi lang naman itong dalawang hospital.

"DNR (do not resuscitate) ang kaso ni Isabel. 'Di puwedeng operahan, naka-coma. Brain dead. Limited ang guest na pinapapasok nila."

Samantala, naririto ang official statement ng husband ni Isabel na si Arnel Cowley: "To all family and friends, please pray for my wife Isabel Granada who is in ICU at Doha Qatar in a critical condition. She suffered from a brain haemorrhage which indicates aneurism and in turn affected her heart. She collapsed suddenly without warning yesterday afternoon and is still not responding.

“I have released this statement to end inaccurate speculations during this hard time for myself and the rest of the family and I would also like to thank the people that’s supporting me here in Doha. #LabanIsa #we'reprayingforu"