ASAM ng defending champion Centro Escolar University na patibayin ng todo ang kapit sa liderato sa pakikipagtuos sa inaalat na Diliman College sa tampok na laro ngayon sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL) Season 2 sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Target ng Scorpions na masiguro ang top 2 spot na may kaakibat na twice-to-beat advantage sa semifinals.

Galing ang Diliman Dragons sa ikatlong sunod na kabiguan,ngunit kumpiyansa na makakaulit sila sa Scorpions na nagapi nila, 59-56, sa first round ng elimination.

Nakatakda ang laro ganap na 12 ng tanghali.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Puntirya rin ng Colegio de San Lorenzo ang twice-to-beat advantage sa pakikipagharap sa Lyceum Batangas Pirates ganapa na 2 ng hapon.

Bukod sa CEU (9-1) at CdSL (8-1), sigurado na rin sa semis berth ang Olivarez College (8-3).

“We just need to keep our collective focus on the task at hand,” pahayag ni Diliman College coach Rensy Bajar.

“We know the Scorpions won’t hand it on a silver platter so we have to double our effort to realize our immediate goal.”

Tangan ng Blue Dragons ang 7-4 marka, habang bagsak ang Pirates sa 3-7.