Ni: Rommel P. Tabbad
Bibigyan ng tatlong-taong transition period ang mga operator ng public utility jeepney (PUJ) para sa implementasyon ng jeepney modernization program, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sinabi ni LTFRB-Region 6 Director Richard Osmeña na ito ang kanilang napagkasunduan sa pulong nila kamakailan sa LTFRB main office.
Katwiran ni Osmeña, ang pagpapatupad sa nasabing programa ay hindi nangangahulugan ng agarang pag-phaseout sa mga luma at kakarag-karag na jeep.
Aniya, ang naturang transition period ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga operator na makapag-renew ng prangkisa pero provisional authority lamang.
Nilinaw din niya na ang pag-phase out sa mga lumang jeep ay nakadepende sa magiging resulta ng tatlong-taong transition period ng programa.