Ni: Jun Fabon at Beth Camia

Tinatayang umaabot sa 1,000 unit ng bus ang sinusuri ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) makaraang mag-request ng special permit para makabiyahe pauwi sa mga lalawigan sa Undas.

Nabatid kay LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada na may mga humihingi ng permit para sa maramihang unit, kaya mahigpit ang kanilang checking process.

Sa report ng LTFRB, may 51 aplikasyon para sa 96 na bus sa Bicol; dalawang aplikasyon sa Mindanao; 260 aplikasyon o 616 na bus sa Northern Luzon; 95 aplikasyon o 295 bus sa Southern Luzon; at 12 aplikasyon para sa 34 na bus sa Visayas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Itinaas na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang heightened alert status ngayong Undas upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong magtutungo sa mga pantalan at uuwi sa kani- kanilang probinsiya para gunitain ang All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, ina-activate na ng PCG ang “Oplan Biyaheng Ayos” mula ngayong Huwebes, Oktubre 26, hanggang sa Nobyembre 6, para matiyak na maayos ang operasyon sa mga karagatan at ligtas na maglalakbay ang publiko.

Paliwanag ni Balilo, maglalagay sila ng Passengers Assistance Center (PAC) booths sa mga pantalan sa buong bansa, sa inaasahang dagsa ng mga pasahero.

Dagdag pa ni Balilo, ang mga PAC ay pamumunuan ng PCG, Department of Transportation, Philippine Ports Authority, Maritime Industry Authority, at iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Umapela si Captain Balilo sa mga pasahero na makipag-ugnayan sa PCG sakaling mayroon silang napapansin na may kahina-hinalang kilos.