Ni Ernest Hernandez

ISANG panalo na lang ang kailangan ng Barangay Ginebra para mapanatili ang korona ng PBA Governors Cup. Ngunit, hindi basta-basta ang hamon ng Meralco Bolts.

Lutang ang determinasyon nina import Justine Brownlee at points guard LA Tenorio sa panalo ng King sa Game 5 para sa 3-2 bentahe ng serye.

“He (Ginebra Coach Tim Cone) came on to me and said ‘I don’t think you will get a break this half’, just be prepared to play the second half,” pahayag ni Brownlee, kumana ng 20 puntos, tampok ang 14 sa final period.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Para kay Tenorio, handa rin siyang magbabad sa laro kung kinakailangan ng sitwasyon.

“Actually, Coach Tim was apologizing to me for playing extended minutes. I don’t care! I will just rest after the series,” sambit ni Tenorio, kumubra ng walong puntos, limang rebounds at dalawang assists.

Naglaro si Brownlee ng kabuuang 46 minuto, habang si Tenorio ay bumabad ng 40 minuto.Sa Game Six ngayong gabi, handa silang humirit hanggang 48 minuto.

“I’m ready to do whatever it takes to win a championship. It doesn’t matter at this point,” ayon kay Brownlee.

“If I was asked to play for 48 minutes, I told him I’m ready. Even next game, we don’t have Sol so I’m ready to extend my minutes. I will just rest after the series.”

“One more to go, the job is not done. The only thing we did is just win three games. We haven’t won the championship. I’m sure we will be fired up on Wednesday,” sambit ni Brownlee.