Ni: Malu Cadelina Manar
KIDAPAWAN CITY, North Cotabato – Pinagbabaril ng tatlong hindi nakilalang lalaki ang bahay ng isang mag-asawang nagdarasal ng Holy Rosary sa loob ng kanilang bahay sa Matalam, North Cotabato, nitong Lunes.
Kaagad ikinamatay ni Cresencio Agot Ariata, 51, ng Sitio New Israel, Barangay New Abra, ang natamong tama ng bala, habang kritikal naman ang lagay ng asawa niyang si Bernie Matalam, na nabaril sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ayon mga ulat mula sa Matalam Police, nagdarasal umano ng Rosaryo ang mag-asawa nang pagbabarilin.
Hinala ng pulisya na may kinalaman sa alitan sa lupa ang nangyaring pamamaslang.