Ni: Kier Edison C. Belleza

CEBU CITY – Tinukoy na ng Committee on Liturgy (COL) ng Cebu Archdiocese ang mga personalidad at religious organizations na magkakaroon ng espesyal na partisipasyon sa burial rites ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal bukas ng umaga.

24102017_VidalBurialPreparation_Cebu_11_deVela copy

Ang mga taong ito, lahad ng komite, ay gumanap ng importanteng papel para sa cardinal habang nagseserbisyo sa Archbishop ng Cebu sa loob ng 29 taon.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Si Cebu Archbishop Jose Palma ang mangunguna sa funeral mass sa ganap na 9:00 ng umaga, habang si Cebu Auxiliary Bishop Dennis Villarojo, na nagsilbing secretary ni Vidal, ang magsasalaysay ng homiliya.

Sa simula ng misa, apat na pari, na “monsignorized” sa loob ng pagiging Cardinal ni Vidal, ang maglalagay ng puting tela na tinatawag na pall sa kabaong ng Archbishop. Sila ay sina Monsignors Vicente Tupas, Guillermo Gorre, Arthur Navales at Alfredo Romanillos.

Ipinapaalala ng puting mortcloth ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pananalig sa pagkabuhay muli at sumisimbolo sa pagpapatong ng puting robe ni Kristo sa pagbibinyag — ang pagsisimula ng buhay Kristiyano — dahil ang katawan ng isang taong tapat na naglingkod sa Panginoon sa kanyang buhay ay papasok sa Simbahan sa huling pagkakataon.

“It is connected with the Sacrament of Baptism that we are clothed by the armor of the Lord as we go to heaven,” lahad ni Fr. Mhar Balili, na naging secretary rin ni Vidal.

Inilahad ni COL Chairperson Fr. Glenn Guanzon na ang kabaong ng yumaong cardinal ay hindi ilalagay sa bier. Sa halip, ito ay ilalagay sa lupa.

“That symbolizes abasement and humility,” ani Guanzon.

Ang kabaong ay ilalagay sa nakaangat na carroza pagkatapos ng misa dahil ilalabas ito para sa maikling prusisyon sa paligid ng simbahan.

Ilalagak ang labi ni Vidal bukas ng umaga, Oktubre 26, sa musoleo na katabi ng sacristy ng cathedral. Ang istrukturang ito ang nagsisilbing lugar ng pahingahan para sa mga obispo at paring Cebuano.

Hanggang nitong Lunes, aabot sa 24 na obispo ang nagkumpirmang bibiyahe sila patungong Cebu upang dumalo sa araw ng libing.

Gaya ng ipinangako, idineklara ni Pangulong Duterte na holiday ang Oktubre 26 sa Cebu bilang pagbibigay-pugay kay Vidal.

Oktubre 18 nang dumanas ng septic shock si Vidal, isang linggo matapos siyang ma-confine sa Perpetual Succour Hospital at makalipas ang ilang taong pakikipaglaban sa pneumonia.