Ni GENALYN D. KABILING

Magpapairal ang mga puwersang pangseguridad ng gobyerno ng pinakamataas na security alert upang maiwasan ang anumang hindi magandang insidente sa pagdaraos sa bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na buwan.

Sinabi ni Ambassador Marciano Paynor Jr. na layunin ng pamahalaan na tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng ASEAN Summit and Related Meetings, na dadaluhan ng 21 lider ng mga bansa sa Nobyembre 13-15.

Si Paynor, dating protocol chief ng Malacañang, ang director general for operations ng ASEAN 2017 National Organizing Committee.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It will be highest alert. Red alert is as far as I know is the highest, noh. But even with just red alert, it will be even higher than that,” sinabi ni Paynor sa news conference sa Palasyo kahapon ng umaga. “All of the security elements within the areas of where the leaders will be, will be on full security alert. The whole country will also be on alert because we would not want anything happening anywhere in the Philippines during those days.”

Bilang chairman ng ASEAN, ang Pilipinas ang magiging punong abala sa taunang pulong ng mga pinuno ng ASEAN at ng dialogue partners ng mga ito sa Nobyembre 13-15—na una nang idineklara bilang non-working days sa Metro Manila, Bulacan, at Pampanga.

Kabilang sa world leaders na pupunta sa bansa sina US President Donald Trump, Chinese Premier Li Keqiang, Russian Prime Minister Dmitry Medvedev, Canada Prime Minister Justin Trudeau, at United Nations Secretary General António Guterres.

Tiniyak naman ni Paynor na handa ang gobyerno na pangasiwaan ang serye ng high-level meetings ng world leaders, sinabing isa at kalahating taon ang naging paghahanda ng Pilipinas upang maging “unhampered and hassle-free” ang mga pulong.