Ni: Fer Taboy

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na hindi niya ipinapapatay ang riding-in-tandem criminals.

Ito ay kasunod ng kanyang pahayag na “uupakan” ng pulisya ang mga ito makaraang alisin na sa PNP ang pagpapatupad sa drug war.

Sa press conference sa Camp Crame, binigyang-diin ng PNP Chief na hanggang maaari ay gusto niyang mahuli nang buhay ang mga suspek sa riding-in-tandem crimes upang matukoy kung sino ang handler o protektor ng mga ito.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Batay sa records ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP sa mga homicide under investigation simula Hulyo 1, 2016 hanggang Setyembre 30, 2017, 33 porsiyento ng mga ito ay kagagawan ng riding-in-tandem criminals.

Sinabi ni dela Rosa na nais ng PNP na matukoy kung sinu-sino ang nasa likod ng riding-in-tandem criminals, sibilyan man ang mga ito o pulis.

Dagdag pa niya, isinusulong ng PNP sa Kongreso ang panukalang magbabawal sa full-face helmet sa mga nagmamaneho ng motorsiklo na 150cc pababa.

Ito, aniya, ay upang mas madaling matukoy sa mga CCTV footage ang mukha ng riding-in-tandem criminals.