GILIW ang Pinoy mixed martial arts fans sa istilo at husay na ipinakikita sa bawat laro ni Team Lakay mainstay Eugene Toquero.
Sa pagkakataong ito, ang mga tagahanga sa Myanmar ang pakikitaan ng determinasypn at gilas ni Toquero sa kanyang pagsabak kontra Chinese prospect Ma Hao Bin sa undercard ng ONE: Hero’s Dream sa Thuwunna Indoor Stadium sa Nobyembre 3 sa Yangon, Myanmar.
Sa kabila ng tinamong kabiguan sa huling dalawang laro, hindi nawawala ang paghanga ng manonood sa 36-anyos na Pinoy fighter.
Natalo siya sa laban kay reigning ONE Flyweight World Champion Adriano Moraes via first-round submission nitong Marso, gayundin sa kababayan niyang si Danny Kingad noong Disyembre.
Nasundan ang kabiguan ni Toquero ngayong taon via unanimous decision kontra Indonesian standout Stefer Rahardian nitong Abril.
Sa pagkakataong ito, mas handa at mas determinadong Toquero ang mapapanood ng crowd.
“I have made other adjustments. I train longer and harder now. I don’t want to be complacent because I am not getting any younger. This is a huge organization with a lot of very good martial artists from all over the world,” aniya.
“I will give my best in this bout. I will leave everything on the line,” sambit ni Toquero.
Tangan ni Toquero ang bentahe at kumpiyansa siyang magwawagi sa karibal.
“If my opponent did not train well, then I will eat him alive inside the cage. I am hungry for that win,” pahayag ni Toquero.
Tangan ng Ma ang 7-1 karta, tampok ang tatlong panalo via submission at isang knockout.
Huling ginapi ni Ma si “The Wolf Of The Grasslands” Hexigetu sa kanilang flyweight affair at ONE CHAMPIONSHIP: SHANGHAI nitong Setyembre.
“I never study my opponents. I do not care who they are because in Muay Thai and my amateur fights we never knew who our opponents were. We train in the gym and enhance our strengths,” pahayag ni Toquero.
“This time, l will make sure that my hand is raised as the winner. I am not going home with a loss on 3rd of November,” aniya.