PANGALAN pa lang niya ang naririnig, kinikilig na ang mga tagahanga niya. 

Box-office  records,  certified  music  hits,  iba’t ibang  endorserments  at  siya  si  “Papa  P,”  ang dream  boy  ng  halos  lahat  na  yata  ng  kababaihan --  single  man  ito  o  certified mommies. 

Piolo Pascual
Piolo Pascual
Pero sa kabila ng glamour at kasikatan, may isang side si Piolo Pascual na paminsan-minsan ay mas pinipili ang tahimik at relax na buhay. 

“I’ve learnt to not take my work home. Iniiwan ko sa set. Pagkatapos magtrabaho, uuwi ako sa bahay. Wala akong stress. Hindi ko ini-stress ang sarili ko.” 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya kapag nasa bahay, makikita ang Piolo na mas gusto ang easy life at ang nakasanayan nang lasa ng comfort food niya tulad ng corned beef.  

Sey  nga  niya,  “‘Pag  nasa  bahay  lang  ako,  comfort  food  ko  ‘to.  ‘Yung  nailuluto  ko.  Gisa-gisa, konting sibuyas.” 

A certified foodie, hindi takot si Piolo na sumubok ng bago at puwedeng mas magustuhan lalo na ng panlasa  niya. Kaya  malaking  blessing  sa  kanya  na  maging ambassador  ng  Highlands  Gold  Corned  Beef  with  angus  beef.  Katulad  din  ng  maraming  batang misis ngayon at nanay na lumipat na mula sa lumang brand ng kanilang corned beef sa Highlands Gold Corned Beef, gayundin nga ang actor/singer/producer. 

“I’m happy when I tasted it. It is so good!” kuwento ni Piolo. “It is something familiar yet new. And  what I like best is  that it’s  not only made from  100% pure  beef, it is also made with angus beef.” 

“This is the only corned beef with angus beef. I love its natural and superior beef taste! Hindi malitid ang Highlands Gold Corned Beef at hindi matabang. This is definitely my kind of comfort food.” 

Sabi pa ni Piolo, “Walang bawal sa akin. I can eat anything.  Malakas akong kumain, sobra.  Kaya malakas akong mag-workout.  Ayokong i-deprive ang sarili ko.  For me, eating is a reward.” 

Binigyang-diin niya  na  pagdating  sa  ilang  bagay  at  mga  pagkaing  pinipili  niya, sinisigurado niyang may value. 

“Food  intake  and  the  kind  of  life  that  I  live,  it  resonates  with  the  brand  of  Highlands  Gold because it gives the premium taste of corned beef. 

“And it’s something that when you hear it, it’s a reward. So parang for me, I treat myself as a reward. Something that is precious,” saad niya.  

“It’s the same thing with Highlands Gold. Talagang they made sure that what they’re offering to the public is a premium brand and something that people will enjoy.” 

Bilang endorser, maraming beses nang napatunayan ni Piolo kung gaano siya ka-effective. 

“Based on social media, people see what you eat, what you do.  I try as much as possible not to hard sell and let the product speak for itself. Kasi when I believe in a product, I’d like the people to see it, try it.  With Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef, I’m very proud of it.” 

Naniniwala  rin  siya na  bilang  celebrity  at  endorser  ay  may responsibilidad siya sa publiko, lalo na ngayong panahon ng social media na halos bawat galaw at kilos ay bukas sa lahat. Kaya, what you see is what you get. 

“People nowadays like it raw, like it real,”saad niya. Aniya, “Me as a host, a singer, an actor. It’s different characters.” 

“But what you put out there, it’s you, yourself. It’s private but it’s personal.  I wanted to share my life. I want people to identify with me.”