ni Merlina Hernando-Malipot

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones noong Lunes na malaking problema ng ahensiya ang labis-labis na pangungutang ng mga guro sa pampublikong paaralan na ngayon ay umabot na sa mahigit P300 bilyon – kapwa sa public at private lending institutions.

Sa “Kapihan sa Manila” na ginanap sa Manila Hotel, binanggit ni Briones na matagal nang nangyayari ang over-borrowing ng mga guro. “Our studies show that families that have teachers have 50 % higher propensity to borrow compared to other families for whatever reasons which we are still looking into,” aniya.

Sinabi ni Briones na ang kabuuang halaga ng teachers’ loans sa Private Lending Institutions (PLIs) ay ay P170 bilyon noong Disyembre 2016. Bukod pa ito sa mga utang sa GSIS, na nasa P120 bilyon.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“Between GSIS and PLIs, teachers owe more than P300 billion and it is getting bigger and bigger so something has to be done,” diin niya.

Nauna rito, tinuligsa ng public school teachers ang kautusan ng DepEd na nagpapahintulot ng deductions sa kanilang mga suweldo para ihulog sa kanilang mga utang kayat halos wala na silang take home pay.

Binatikos ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), samahan ng 30,000 miyembro, ang DepEd sa paglabas ng direktiba na nagreresulta sa pagbawas ng mga sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan para sa amortization ng mga utang mula sa GSIS at Pag-ibig Fund hanggang sa mas mababa sa mandated net take home pay na P4, 000 para sa Fiscal Year 2017.

“In effect many teachers, initially in Metro Manila received less than P1,000 pesos for the month of October,” ani TDC National Chairperson Benjo Basas.

Nauunawaan naman ni Briones ang kalagayan ng mga guro, idiniin niya na mas mainam na ayusin ng mga ito ang kanilang mga pagkakautang ngayon pa lamang sa halip na isakripisyo ang kanilang retirement benefits.

“They think that by just delaying payments, they are postponing it but no, they are just postponing the pain so the question is: are you going to suffer the pain now and look for solutions or continue the same practice until your loans will accumulate?” ani Briones.

At taliwas sa pahayag ng grupo ng mga guro, sinabi ni Briones na inimpormahan sila tungkol dito ilang buwan bago ipatupad ang direktiba.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Briones mayroong mahigit 23,000 guro ang DepEd na nakatakdang magreretiro ngunit walang makukuhang anumang salapi dahil sa hindi nabawasan ang kanilang mga utang sa GSIS.

“Teachers don’t realize that these interest rates are being compounded,” ani Briones.