SUNTOK sa buwan ang pagkasa ni dating OPBF at Philippine flyweight champion Ardin Diale kay IBO 112 pounds champion Moruti Mthalane para sa bakanteng IBF International flyweight title sa Oktubre 27 sa Mmabatho, South Africa.

Kapwa beterano sina Mthalane at Diale ngunit lamang sa laban ang South African dahil mahirap manalo sa puntos sa nasabing bansa na tanyag sa hometown decisions.

Matagal din naging IBF flyweight champion si Mthalane na huling natalo nang hamunin ang Pilipinong si Nonito Donaire Jr. para sa IBF at IBO flyweight titles noong Nobyembre 1, 2008 sa Las Vegas, Nevada.

Gusto ni Mthalane na muling IBF flyweight champion kaya gagawing tuntungan si Diale para makaangat sa world rankings. Kasalukuyan siyang nakalistang No. 8 sa WBC na kampeon si Daigo Higa ng Japan at No. 9 contender kay IBF flyweight titlist Donnie Nietes ng Pilipinas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Mthalane na 34-2-0 win-loss-draw na may 23 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Diale na may kartadang 33-11-4 win-loss-draw na may 16 panalo sa knockouts. - Gilbert Espeña