ni Roy C. Mabasa

Lumala ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas sa ikalawang bahagi ng 2016 resulta ng ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte, ayon sa huling Annual Report on Human Rights and Democracy ng European Union (EU).

Inilabas ito kasabay ng paghimok ng EU sa gobyerno ng Pilipinas na dapat tiyakin na ang giyera kontra droga ay isinasagawa “within the law, including the right to due process and safeguarding of the basic human rights of citizens of the Philippines, including the right to life, and that it respects the proportionality principle.”

“Despite positive developments in some areas, the human rights situation in the second half of the year has considerably worsened as a consequence of the so-called war on drugs,” nakasaad sa 295-pahinang yearly report ng EU na nagbibigay ng malawak na larawan ng human rights efforts nito sa iba’t ibang bansa noong 2016. Inilabas ang dokumento nitong nakaraang linggo at ipinaskil sa website ng EU.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon dito, ang ikalawang bahagi ng taon ay markado ng “serious deterioration in respect for the right to life, due process and the rule of law.”

Ayon sa ulat, nagkaroon ng dalawang magkaibang gobyerno ang Pilipinas noong 2016 – ang kay Pangulong Benigno Aquino III na umalis sa puwesto noong Hunyo 30, at ang kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumunod dito.

Bumaba man ang bilang ng extrajudicial killings sa ilalim ng gobyernong Aquino, nananatili naman ang iba’t ibang problema gaya ng culture of impunity at torture, ayon sa EU.

“The second half of the year was marked by a serious deterioration in respect for the right to life, due process and the rule of law,” saad sa ulat ng EU.

Gayunman, may positibo ring nakita ang EU sa pamahalaang Duterte. Pinuri ng ulat ang “positive development” sa ilalim ni Pangulong Duterte, lalo na ang momentum sa Mindanao peace process, ang mga pag-uusap sa makakaliwang grupo at ang socio-economic agenda na nakatuon sa pag-aahon sa mga mamamayan sa kahirapan.