NI: Fer Taboy
Limang hinihinalaang suspek sa gun-for-hire ang napatay ng pulisya sa Oplan Galugad na ikinasa ng Philippine National Police (PNP) sa Cavite City, kahapon ng madaling araw.
Batay sa report ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), dakong 4:15 ng umaga nang gawin ang operasyon sa Lopez Jaena Street sa Cavite City.
Sinabi ni Senior Supt. William Segun, CPPO director, na naglunsad sila ng Oplan Galugad laban sa isang grupo ng gun-for-hire at nakasagupa ang mga suspek.
Tinukoy ni Segun ang grupo ng nagngangalang Airon Cruz, alyas “Toyo”, “Praning”, at apat na kasamahan nito na hindi pa nakikilala ng pulisya.
Ayon sa pulisya, unang nagpaputok ang grupo ni Cruz, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis.
Nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng baril sa pinangyarihan ng engkuwentro.