DINAIG ng University of the East ang University of Santo Tomas, 66-62, kahapon para patatagin ang kampanya sa twice-to-beat na bentahe sa semifinals sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Hataw si Ruthlaine Tacula sa naiskor na 16 puntos, siyam na assists at pitong rebounds, habang kumana si Love Sto. Domingo ng double-double – 13 puntos at 18 rebounds – habang humugot si Joyce Francisco ng 13 puntos.

Sa naputol na six-game winning streak, bagsak ang UST sa 8-2, isang panalo ang abante sa UE (7-2) para sa No. 2 seeding sa playoffs.

Nangunguna ang defending champion National University sa dominanteng 10-0 karta.

Nanguna si Anjel Anies sa Tigresses sa naiskor na 18 puntos, habang kumana si Jem Angeles ng 13 puntos, anim na rebounds, anim na assists at tatlong steals.

PhilTa, level-up sa pagsusulong ng tennis dahil sa impluwensya ni Alex Eala!

Sa unang laro, ginapi ng Ateneo ang De La Salle, 56-49, para tuldukan ang six-game losing skid.

Hataw sina Jolina Go at Hazelle Yam sa naiskor na pinagsamang 26 puntos para sa Lady Eagles.