Balik na sa regular ang proseso ng aplikasyon sa Unified Multi-Purpose Identification (UMID) cards ng Social Security System (SSS) at matatanggap na ito ng mga miyembro sa loob ng 30 araw.

Ito ang ipinahayag ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc matapos maputol ang produksiyon ng UMID cards nitong Pebrero nang masira ang Verification System (CVS) na nasa pamamahala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Iniulat ng SSS ID Card Production Department, na nasa isang milyong UMID card applications ang naantala mula nang mag-overheat ang machine na gumagawa nito noong Pebrero. - Jun Fabon

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'