HONOLULU (AP) – Paboritong ipuslit ng mga magnanakaw sa mga tindahan sa Honolulu ang mga lata ng Spam na kanila ring ipinagbibili sa mga bangketa para mabilis kumita ng pera, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ni Ra Long, may-ari ng isang convenience store sa lungsod, na dati ay alak ang target ng mga shoplifter, ngunit ngayon ay mga lata na ng Spam ang madalas na mawala sa kanyang tindahan, iniulat ng Hawaii News Now.

Ayon kay Kimo Carvalho, tagapagsalita ng Institute for Human Services, ninanakaw ng mga tao ang Spam dahil madali itong ibenta. “It’s quick cash for quick drug money,” aniya.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'