Ni NOEL D. FERRER

SUCCESSFUL ang two-night concert ni Regine Velasquez na R3.0 sa MOA-Arena nitong Sabado ng gabi at kagabi.

Despite the strict rules and advisory na dapat maaga ang pagdating, mga bawal na SLR cameras at iba pang gadgets, dinagsa ito ng excited na fans at supporters ng Asia’s Songbird na naka-Regine look pa nga ang iba - which made the Regine iconic sa kanyang 30th year sa entertainment industry.

Klinaro na dapat talaga ay last year ang kanyang 30th anniversary pero naging masikip ang schedule ni Regine kaya minarapat nilang mag-full circle at ang ipinagdiwang ay ang anniversary niya hindi bilang REGINE ENCARNACION (CHONA) VELASQUEZ kundi bilang Regine na unang nag-sign up sa Viva Records with the single Urong Sulong.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

The concert started with Call Me and Hotstuff na applauded ng audience. Napaiyak agad si Regine sa magandang reaksiyon sa kanya ng mga tao.

Aside from showing na nasa kundisyon ang boses ni Ate, ay sa mismong stage na siya nagku-costume change.

From then on, kinanta na niya ang kanyang anthems na You Made Me Stronger, You Were There, Bluer Than Blue, Fallin’, at Tuwing Umuulan At Kapiling Ka.

Kinanta rin ni Regine ang Shine, Say That You Love Me, Sometime Somewhere, I Don’t Wanna Miss A Thing pero this time ay ipinaubaya niya ang pagkakataon to shine sa bagong queens sabi ni Ate na sina Jona, Julie Ann San Jose, Aicelle Santos, Morissette at Angeline Quinto.

Nag-guest din si Ogie Alcasid na kumanta ng single niyang Nakakalokal at pagkatapos ay kumanta silang mag-asawa ng kanilang Movie Theme Songs medley.

Sa kanyang social media account, heto ang sinabi ni Ogie, “I am to this day in awe of your gift, my love. That gift is your heart that you openly and willingly give to so many and most of all to the one that made it. Again, he is pleased and he is praised. Mighty proud of this lady we call the songbird. Congrats mahal!! #R3.0 “

Nakakatuwa ring segment ng concert ang pagkanta ni Regine ng theme song ng kanyang pelikula noong 1996 na DoReMi but this time ang kanyang anak na si Nate ang kanyang ka-duet ng I Can.

Surprise sa audience ang paglabas ng mga kaibigan at kasama rin sa pelikula ni Regine na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco.

Then kinanta rin ni Regine ang kanyang unang recording na Urong Sulong at ang kanta mula sa Hercules na Go The Distance na kasama sa bago niyang album na talaga namang well applauded.

For her encore, humirit pa si Ate ng kanta pinakaunang recording bilang Chona pa sa Octo Arts na Love Me Again na sinundan ng danceable na Follow The Sun (na dati niyang kinanta sa UP Sunken Garden na inulan).

Kasama sa mga dumalo noong first night sina Judy Ann Santos, Vice Ganda, Direk Joyce Bernal, Richard Gomez at Lucy Torres, Vicky Belo at Hayden Kho at Gary Valenciano.

Sa second night, additional guests sina Sarah Geronimo, Mark Bautista, Erik Santos at Jed Madela.

Overall, masaya ang mga taong nakapanood, sulit daw ang concert, at sulit na sulit din ang album na may 30 songs sa compilation na may original songs, covers at re-interpretation ni Regine ng mga dating recording niya.

Mismong si Regine na ang nagpahayag na nagbago na ang kanyang boses at natural lang naman ang wear and tear at pagkapagod dahil sa edad, pero ang sabi nga niya, “Hangga’t may makikinig, patuloy akong kakanta.”

Para kay Regine at ang kanyang Team R3.0 ipinaaabot namin ang aming pagbati. BRAVO!!!

(For your comments, opinions and contributions, you can message me on IG and FB, or tweet me at @iamnoelferrer.)