Sabik na ang Malacañang na maging host ang Pilipinas ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), lalo na’t ang iba pang mga lider ng bansa sa labas ng 10-miyembrong regional bloc ay darating sa susunod na buwan.

Bukod dito naghahanda rin ang Palasyo sa unang pagkikita nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, matagal na nilang nagpaghandaaan ang 31st Summit ng 50-taong organisasyon.

“Of course we will—we’ll put our best foot forward sapagka’t hindi lang po iyong mga ASEAN leaders or iyong other nine heads of state ang dadalaw sa atin,” ani Andanar sa panayaman ng radyo DZMM.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“But the rest of the population can be rest assured that we are doing everything to have a very smooth and successful summit this coming November,” dugtong niya.

“And we are very excited of course, [dahil] lahat gustong makita ng mag-usap si Presidente Duterte at si Presidente Donald Trump,” pagpapatuloy niya.

Bukod sa siyam na iba pang ASEAN heads of states at kay Trump, inaasahang magpapadala rin ng kanilang mga delegasyon ang Russia, China, Japan, South Korea, Australia, India, at New Zealand para sa summit.

“Talagang preparado na since early this year until now alam natin na itong mangyayaring ASEAN,” ani Andanar.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na umaasa ang Pilipinas na maging punong abala ng produktibong okasyon at gawin itong kaaya-aya sa mga banyagang pinuno.

“We will let them experience our world-famous Filipino hospitality to make sure they would have good memories of their stay in the Philippines,” sinabi niya.

Inaasahng tatalakayin ng mga lider ng mundo ang regional issues, kabilang ang mga banta ng nuclear missiles ng North Korea. - Argyll Cyrus B. Geducos