Ogie kasama ang  ABS-CBN executives
Ogie kasama ang ABS-CBN executives

Ni JIMI ESCALA

PUMIRMA ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si Ogie Alcasid. Kaya walang katotohanan ang isyung babalik siya sa dating TV station na nag-alaga sa kanya noon.

Bukod sa pagiging Kapamilya on-cam talent ay pumirma rin ng kontrata si Ogie sa kanyang proyekto sa Star Music. Kaya tuluy-tuloy din ang pagiging hurado niya sa “Tawag ng Tanghalan” at sa It’s Showtime.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Mainstay pa rin si Ogie sa ASAP. Bukod pa riyan ay pinaghahandaan na rin niya ang Your Face Sounds Familiar na may malaking pagbabago raw sa pagbabalik sa ere.

Lahad ng sikat na singer/composer/comedian, excited siya sa susunod sa matatagumpay na naunang proyektong nagawa niya sa Kapamilya Network.

“Sobra talaga akong na-excite last year, matagumpay kasi ang mga nagawa kong programa sa Dos. Kaya this time I am looking forward sa launching ng new season ng Your Face Sounds Familiar,” sey ni Ogie.

Tiyak daw na maipakita uli niya ang mga bago niyang pakulo na alam niyang magugustuhan ng fans niya.

“Siyempre, may mga bago tayong mga kalokohan, and at the same time, excited ako na makita kung sino ang mga kalahok. I think teenagers ngayon,” banggit pa rin ng hubby ni Regine Velasquez.