Earl Watson  (AP Photo/Jae C. Hong)
Earl Watson (AP Photo/Jae C. Hong)

PHOENIX (AP) — Tatlong laro pa lamang ang pinagdadaanan ng Phoenix Suns, ngunit hindi na nakapaghintay ang management.

Ipinahayag ng Suns ang pagsibak kay coach Earl Watson sa kaagahan ng season nitong Linggo (Lunes sa Manila) matapos makamit ng Suns ang 0-3 marka.

Itinalagang interim coach ang assistant coach na si Jay Triano, dating head coach ng Toronto Raptors at assistant sa Portland bago kinuha ng Phoenix sa nakalipas na season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naging interim coach si Watson nang sibakin si coach Jeff Hornacek noong Feb. 1, 2016. Naging full-time coach si Watson noong Abril, ngunit nabigo siyang mapasikat ang liwanag sa Phoenix. Tangan niya ang record na 33-85.

Naglaro sa college ang 38-anyos na si Watson sa UCLA at 10 season sa NBA. Natikman ng Suns ang pinakamasaklap na kabiguan sa kasalukuyan, 76-124 laban sa Portland , at hindi ito naibigan ng may-ari na si Robert Sarver. Laban sa Clippers nitong Sabado, pinakulimlim ng Los Angeles ang laban sa 130-88 panalo.

“I Don’t wanna be here,” pahayag ni point guard Eric Bledsoe sa kanyang Twitter account matapos ang pormal na pahayag sa pagsibak kay Watson. May ganting mensahe naman ang dati niyang teammate sa Clippers na si DeAndre Jordan na “Come back home bro.”

Napapabalitang i-trade I Bledsoe.

“I’d like to see the fight be a little bit more,” pahayag ni Watson. “Or a lot more, until you know they’re just fatigued.”