Ni ADOR SALUTA
ISA sa mga importanteng karakter ang ginagampanan ni Joshua Garcia sa The Good Son sa ABS-CBN. Ngayon kasama siya sa malaking proyektong gaya ng TGS, hindi maikaila ng baguhang aktor na nakakaranas sila ng pressure sa set.
Sa panayam sa sinasabing ‘next important star ng showbiz’, aniya, “‘Yung buong team sobrang pressured kami. Supposedly kasi dapat Kapamilya Gold kami ‘tapos nabago, biglang nabago na primetime na. Oo, na-pressure kami. Siguro ‘yung pressure na ‘yun gagamitin namin para mas ma-motivate kami na galingan namin kasi ang daming mas nakakapanood nu’n, eh, nung oras na ganu’n. Nakikita ko sa buong team na pressured kami pero hindi namin hinahayaan na maapektuhan ‘yung work namin, ‘yung arte namin, nakikita ko pa rin ‘yung effort talaga.
“So pagka nagpadala kami sa pressure baka maapektuhan lang din yung show namin,” tuluy-tuloy na kuwento ng young actor.
Ang pagiging parte ng Primetime Bida timeslot ay isa sa kanyang biggest challenges.
“Parang feeling ko ‘yun ‘yung challenge sa amin. Kasi ‘yung oras na ‘yun mahirap talaga magpakilig lalo na kung inaantok ka na. Siguro ‘yun ‘yung challenge sa amin at malalaman na lang natin ‘yun kung kikiligin ba sila ‘pag nanonood sila”.
Markado ang karakter ni Joshua bilang si Joseph Benavidez, isang model son.
“Ako dito si Joseph at ako ay isang mabait na anak, very protective ako sa family ko lalung-lalo na sa nanay ko, sa lola ko at saka kay Obet. Gagawin ko ang lahat para sa kanila. Feeling ko nga kaya ng character ko pumatay para lang maprotektahan sila. Kasi lahat naman ng good may bad. Hindi naman good ka lang, may bad ka rin.”.
At bilang si Joshua Garcia sa totoong buhay? “Ako ‘yung nagpo-provide ngayon para sa pamilya ko. Pinapaaral ko ‘yung ate ko. Feeling ko dagdag points ‘yun na good son ako, ‘yung emotionally ipaparamdam ko sa kanila. Hindi kasi kami buo. Separated ‘yung papa ko at saka ‘yung mama ko,” pahayag ni Joshua.