Orlan Wamar (photo from UCBL Facebook)
Orlan Wamar (photo from UCBL Facebook)

Laro sa Lunes (Olivarez College gym)

12 n.t. -- Olivarez vs U of Batangas

2 n.h. -- Diliman vs Lyceum-Batangas

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

UMUSAD ang defending champion Centro Escolar University sa Final Four nang pabagsakin ang Technological Institute of the Philippines, 82-73, kahapon sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL) Season 2 sa Olivarez College gym sa Sucat, Parañaque City.

Nakopo ng CEU Scorpions ang ikatlong sunod na panalo at ikasiyam sa 10 laro para makamit ang No.1 spot sa semifinals, habang nalaglag ang Top Engineers sa 3-7.

Hinagupit naman ng Colegio de San Lorenzo, sa pangunguna ni pro-bound Jon Gabriel, ang University of Batangas, 78-71, para masiguro ang No.2 spot.

Kumubra sa 6-foot-5 na si Gabriel ng 17 puntos, anim na rebounds at tatlong assists.

Nanguna sa Scorpions si Orlan Wamar sa natipang game-high 25 puntos.

Naglaro ang CEU na wala ang pambatong 6-foot-7 center na si Rod Ebondo, na pansamantalang nagbalik bansa para gabayan ang Democratic Republic of Congo sa African qualifier ng 2019 FIBA World Cup.

“It’s not easy to make the adjustments in the absence of Rod. That’s why I’m just thankful that my players are doing their fair share and giving their best for us to continue our winning ways,” sambit ni CEU coach Yong Garcia.

Mula sa dikit na 60-61 paghahabol, naisalpak ni Wamar ang tatlong sunod na three-pointer sa 19-6 atake ng CEU para makontrola ng laro tungo sa huling tatlong minuto.

Nag-ambag sina Rich Guinitaran sa naiskor na 14 puntos at anim na rebounds, habang kumana si Nigerian big man Ebuka Umeanozie ng team-high 10 rebounds para sa CEU.

Iskor: (Unang laro)

CEU (82) — Wamar 25, Fuentes 19, Guinitaran 14, Uri 9, Cruz 4, Manlangit 4, Umeanozie 3, Baconcon 2, Demigaya 2, Arim 0, Caballero 0, Galinato 0.

TIP (72) — Napoles 25, Ramos 18, Latu 16, Soriano 7, Daguro 2, Mallari 2, Palisoc 2, Lara 0, Manalang 0, Quiambao 0.

Quarterscores: 15-15, 36-30, 56-51, 82-72.

(Ikalawang laro)

CDSL (78) — Formento 20, Gabriel 17, Chabi Yo 12, Rojas 8, Alvarado 7, Sablan 5, Borja 3, Callano 3, Laman 3, Vargas 0.

UB (71) — Yemeli 22, Caspe 12, Tabol 12, Castro 8, Heideilburg 8, Gotam 5, Cervantes 2, Villegas 2, Arcilla 0, Clarion 0, Espiritu 0, Alade 0.

Quarterscores: 23-22, 42-40, 62-53, 78-71.