Ni: Nora Calderon

TINUPAD ng Eat Bulaga ang pangako nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang AlDub Nation fans na magbibigay sila ng isa pang magandang celebration ng “Tamang Panahon” in it’s second year.

Isang maganda at napapanahong tema ang unang telemovie ng Eat Bulaga sa pagganap ng phenomenal love team, ang “Love Is...” na idinirihe ni Adolf Alix Jr.

Ang isa pang ibinigay na bonus ng EB sa ADN, muli ay walang commercial break nang ipalabas ito at exactly 1:00 PM last Saturday. Ganito rin kasi ang “Tamang Panahon” noong October 24, 2015, na sa apat na oras na presentation sa Philippine Arena ay walang commercial break.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Last Saturday, tuluy-tuloy din ang panonood ng netizens hanggang sa matapos ng 2:20 PM.

Si Vivienne (Maine) ay top employee ng company, may nagmamahal at understanding boyfriend na si Marco (Alden), pero madaling naputol ito nang ma-scam siya ng pinsan na nadamay pa ang ipong pera ng ama (Nonie Buencamino) kasama ang retirement money. Dahil hindi na makapagtrabaho nang maayos, pinagpahinga muna siya ng boss niya, natuto siyang magkulong sa kuwarto at hindi sinasagot ang mga tawag at text ni Marco. Pero hindi iniwanan si Viv ng kanyang pamilya, ni Marco at mga kaibigan nila. Sa story, kumuha pa sila ng psychiatrist na nag-explain kung paano magagamot ang depression.

Tumahimik ang Twitter world sa mga comments maliban sa pagtu-tweet nila ng hashtag na #ALDUBxEBLoveIs. Bago nagsimula ang telemovie ay umabot na agad sa 1.38 million and tweets ganoong ang target nila ay 2 million lamang hanggang 12:00 midnight ng October 21.

Nag-number one ito nationwide at 2nd spot sa worldwide trends na 1.55 million. Maliban sa ilang tweets na nagko-comment kung gaano kahusay ang performance nina Alden at Maine, may mga nag-tweet na umiyak din sila nang husto sa performance ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino, na ang mga linyang binitiwan para kay Viv ay iyon din siguro ang gusto nilang sabihin sa namayapa nilang anak na dumanas din ng depression.

Muling nag-live ang EB pagkatapos ng showing ng telemovie at natanong sina Maine at Alden kung ano ang meaning para sa kanila ng “Love Is...” Sagot ni Maine, love is caring, tulad daw ng line niya na ibibigay mo ang love mo sa isang taong alam mong mahal ka at ilalaan ang buhay sa iyo. Si Alden naman, love is walang iwanan, kapag sinabi mong mahal mo siya ay handa kang ibigay ang buhay mo, hindi na kayo maghihiwalay.

At hindi pumayag ang studio audience at ang Dabarkads na walang kissing scene sina Maine at Alden sa telemovie, kaya tunay na lang daw. Hindi naman tumanggi ang dalawa at nag-kiss sila.

Thank you Eat Bulaga, muli na naman ninyong pinasaya ang AlDub Nation here and abroad. May live streaming abroad, pero may mga lugar na hindi napanood dahil nawala raw ang live streaming nila kaya team replay na lamang daw sila sa Facebook page ng Eat Bulaga.