Ni MARIVIC AWITAN

Laro Ngayon

(Philippines Arena –Bulacan)

6:30 n.g. -- Ginebra vs. Meralco

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

WALANG nakalalamang. Patas ang laban.

Matira ang matibay ang kondisyon ng best-of-seven PBA Governors Cup Finals sa pagpalo ngayon ng Game Five sa pagitan ng Barangay Ginebra Kings at Meralco Bolts sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nakatakda ang laro ganap na 6:30 ng gabi.

Naitabla ng Bolts ang serye sa 2-2 matapos kunin ang 85-83 panalo sa Game 4 nitong Biyernes sa Araneta Coliseum.

“It was a game we had to win,” ayon kay Meralco Bolts multi-titled coach Norman Black.“If we go down 3-1, then it’s gonna be difficult — it would have been very difficult for us to come back. So it’s just a great win for us to tie the series. We now have a series, guys.”

Isang short stab ni Best Import Allen Durham mula sa drop pass ni Reynel Hugnatan sa nalalabing 46.6 segundo sa laro ang nagbigay ng panalo sa Meralco.

Muli, sasandigan ng Bolts si Durham, na tumapos na may 28 puntos at 18 rebounds, kasama sina Chris Newsome, Hugnatan, Baser Amer, Cliff Hodge at Jared Dillinger, upang makamit ang panalo na maglalapit sa kanila sa pinakamimithing unang titulo.

Inaasahan naman ni Coach Tim Cone para bumawi sa masakit na pagkatalo noong Game 4 sina LA Tenorio, Joe Deviance, Japeth Aguilar, import Justine Brownlee, at Scottie Thompson.